"Kolehiyo." Isang napakaimportanteng lebel ng edukasyon. Sa tuwing maririnig mo ang salitang ito, makakaramdam ka ng excitement, nerbyus, at kung anu-ano pa. Tunay ngang mahalaga na makatuntong sa kolehiyo at makatapos upang maprotektahan ang ating kinabukasan.
Hunyo 15. 2010. Unang araw ng pasok sa kolehiyo. Sa aking iskedyul, 12:30 ng tanghali ang unang asignatura ko sa araw na iyon. Nagtataka ako kung saan ang X-room 3 at 4. Nagatanung-tanong ako pero kapwa hindi alam kung saan. Napunta ako sa gusali ng College of Business Administration and Accountancy at pagbungad ko pa lang sa nasabing gusali ay nakita ko na kung saan ko mababasa ang kinakailangan kong impormasyon. Ang X-room 3 at 4 pala ay nasa ikatlong palapag ng gusali ng College of Law na College of Social Works na ngayon. Mali ang unang napuntahan naming silid. Buti na lamang at may nagsabing hindi doon ang X-room 3 at 4. Nagtawanan na lamang kami at nagsimula na kaming maglakad papuntang silid. Pagkatapos naming maakyat ang tatlong palapag na gusali, narating din namin ang tamang silid. Nadatnan naming wala pa ang aming guro. Siyempre, magkakatabi ang mga magkakakilala. Matagal kaming naghintay sa guro namin. Upang hindi mainip, may isang naglakas-loob na magsalita, si Camille, at kinuha niya ang lahat ng cellphone number namin para sa text na lamang kami magkakilala. Wala talagang dumating na guro. Gayundin sa isa pa naming klase kaya nagdesisyun na lamang kami na umuwi na lamang.
Hindi man gaanong kaganda ang araw na iyon, massabi ko na nag-enjoy naman ako kahit wala kaming nakilalang guro nang araw na iyon, marami namna
No comments:
Post a Comment